₱300-K, pabuyang inilaan ng Cotabato LGU sa makapagbibigay ng impormasyon sa pumatay sa Secretary to the Mayor

212

Naglaan ng pabuya ang Cotabato City Government sa makapagbibigay ng impormasyon sa suspek sa pagpatay sa Secretary to the Mayor na si Aniceto Rasalan.

Ayon kay Police Colonel Richard Fiesta, Hepe ng Cotabato City Police, ₱300,000 ang pabuya na ibibigay sa informant.


Umaasa sila na agad na may lulutang na testigo upang mapabilis ang pagresolba sa krimen.

Matatandaang nitong Lunes, kumakain lang sa karinderya sa Notre Dame Avenue, Cotabato City si Rasalan nang pagbabarilin ng dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo.

Nadala pa ito sa Cotabato Regional and Medical Center pero agad din itong binawian ng buhay.

Sinabi naman ni Colonel Fiesta na naghigpit sila ng seguridad para kay Mayor Cynthia Guiani-Sayadi matapos ang insidente.

Hindi naman nito matukoy kung mayroong natatanggap ngayon na banta sa buhay ng alkalde.




Facebook Comments