₱36 million na halaga ng shabu, nakumpiska sa tatlong babae sa Cavite

407

Nahulog na rin sa kamay ng Quezon City Police District (QCPD) ang tatlong babaeng high value target sa drug watchlist matapos silang mahulihan ng shabu na nagkakahalaga ng ₱36 million.

Kinilala ni QCPD Dir. Pol. Brig. Gen. Ronnie Montejo ang mga natimbog na sina Anabel Natividad, a.k.a Anabel Mayol, 52-anyos, Teresita Daan, 52-anyos, at Riza Aguiton, 43-anyos, mga residente ng Barangay Molino III, Bacoor City, Cavite.


Maliban sa buy-bust money, nakuha sa tatlo ang limang kilo ng shabu at ang Ford Raptor na gamit nila sa transportasyon.

Facebook Comments