₱6.8-M halaga ng shabu mula sa Malaysia, nasabat sa NAIA

62

P6.8-M halaga ng shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs at Philippine Drug Enforcement Agency Inter-Agency Drug Interdiction Task Group PDEA-IADITG sa FedEx Cargo Warehouse, International Cargo Terminal (ICT), sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Complex, Pasay City.

Batay sa imbestigasyon, dumating sa FedEx Cargo Warehouse ang shipment mula sa Malaysia at naka-consign sa isang Mira Castro ng Sitio Old Bosoboso, Barangay San Jose, Antipolo City.

Nabatid na ang kontrabando na nakabalot sa carbon paper at plastic pouch ay pinadala ng isang Suzanne mula sa Malaysia at ideneklarang multifunction pressure cooker.


Facebook Comments