₱6.8-M halaga ng shabu, nasabat sa Caloocan City

29

Aabot sa ₱6.8 million na halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa tatlong suspek sa Caloocan City.


Huli sa buy-bust operation na isinagawa ng Caloocan Drug Enforcement Unit sa Barangay 188, Tala, Caloocan City ang mga suspek sa pagtutulak ng ilegal na droga.

Kinilala naman ang mga suspek na sina Samsodin Rasid, 23 taong gulang; Johaima Jamael, 29 taong gulang; at Manuel Abella, 25 taong gulang.

Nakumpiska rin sa mga suspek ang ₱90,000 marked money na ginamit ng mga undercover agent sa pagbili ng droga sa mga suspek at isang kilo ng shabu.

Facebook Comments