₱6.8 milyong halaga ng shabu, nasabat ng PNP sa Lanao del Sur; 1 suspek, arestado

72

Aabot sa ₱6.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group sa Malabang, Lanao del Sur.

Ayon kay Police BGen. Randy Peralta, Director ng PDEG, nagsagawa sila ng buy-bust operation na laban sa drug suspek na si Alraje Alamada Pagayawan na noturyos sa pagbebenta ng shabu.

Sa tulong ng Marine Batallion Landing Team 2, Malabang Municipal Police Station at PDEA BARMM, nakorner ang suspek at hindi na nakapalag pa.


Nakuha sa suspek ang nasa 1 kilo at buy-bust money.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng PNP DEG Office 10 ang nahuli at sasampahan ng reklamong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive and Dangerous Drugs Act of 2022.

Umaasa naman ang PDEG na dahil sa pagkakahuli ng suspek ay mababawasan ang kalakaran ng iligal na droga sa Malabang at mga karatig lalawigan.



Facebook Comments