₱6 million cash-aid, ibinigay na tulong ng Valenzuela sa mga biktima ng Bagyong Rolly sa Bicol; Ilan sa mga ayuda sa lugar, sinimulan ng ipamahagi ng LGU

61

Nagpaabot ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela sa mga lugar na matinding sinalanta ng Bagyong Rolly.

Nagpaabot ng kabuuang ₱6 million na financial aid ang Valenzuela government para sa mga probinsya sa Bicol na lubhang naapektuhan ng Bagyong Rolly.


Binigyang otorisasyon ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian na gamitin ang general fund ng Local Government Unit (LGU) para pantulong sa mga biktima ng bagyo.

Ngayong araw lamang ay personal na binisita at dinalaw nila Senator Sherwin Gatchalian at Valenzuela Rep. Wes Gatchalian ang mga taga Camarines Sur, Albay at Catanduanes para iabot ang tulong ng Valenzuela local government.

Sa ₱6 million na cash-aid ay ₱2.2 million ang tulong sa mga taga Albay, ₱1 Million sa Camarines Sur at ₱1 million din sa Catanduanes.

Facebook Comments