
Nakumpiska ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga unregistered at substandard vape product sa isang operasyon sa Barangay 103, Tondo, Manila nitong Lunes.
Kinilala ni CIDG Director PMGEN. Nicolas Torre III ang naarestong suspek na si alyas “Khrystine” na caught in the act na nagbebenta ng vape products na walang kaukulang permits mula sa Department of Trade and Industry (DTI) at Drug Administration na malinaw na paglabag sa national health and trade regulations.
Kabilang sa mga nasamsam ng CIDG ang 40 kahon ng vape juice at vape puffs na nagkakahalaga ng ₱700,000.
Hawak na ngayon si alyas “Khrystine” ng mga awtoridad at nahaharap sa kasong paglabag sa Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act at Food and Drug Administration Act of 2009.