𝐁𝐆𝐄𝐍. 𝐏𝐀𝐒𝐈𝐀, 𝐍𝐀𝐆𝐁𝐀𝐁𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐈𝐘𝐄𝐌𝐁𝐑𝐎 𝐍𝐆 𝐂𝐓𝐆 𝐍𝐀 𝐀𝐘𝐀𝐖 𝐏𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐔𝐌𝐔𝐊𝐎

16
Nagbigay babala ang bagong talagang Acting Commander ng 5th Infantry Division na si BGen Audrey Pasia na lalo nilang paiigtingin ang pagtugis sa mga natitirang miyembro ng komunistang teroristang grupo.

“Kung pipiliin niyong lumaban sa Pamahalaan kung umabot man kayo sa pasko, maaaring ito na ang inyong huling Pasko”, tahasang ipinahayag ng Heneral.

Aniya, kaniyang itutuloy ang legasiya ni MGen Mina at patuloy nilang paiigtingin ang kanilang isinasagawang military operations upang tuluyang sugpuin ang insurhensiya.

Sa kabilang banda, tiniyak naman ni BGen Pasia na malugod namang tatangapin ng kasundaluhan at hindi sasaktan ang mga susukong miyembro ng armadong grupo.

Magugunita na pormal ng itinalaga si BGen Audrey Pasia bilang Acting Commander ng 5ID nitong Lunes, September 5, 2022 kasabay ng Retirement Ceremony para kay MGen Mina na umabot na sa edad ng compulsory retirement.

Facebook Comments