𝐇𝐈𝐆𝐈𝐓 𝟕𝟎 𝐁𝐄𝐍𝐄𝐏𝐈𝐒𝐘𝐀𝐑𝐘𝟎, 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐆𝐊𝐀𝐋𝐎𝐎𝐁𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐒𝐇 𝐂𝐀𝐑𝐃 𝐍𝐆 𝐃𝐒𝐖𝐃

25
Nasa 73 na indibidwal ang pinagkalooban ng cash card sa ilalim ng Unconditional Cash Transfer (UCT) Program ng Department of Social Welfare and Development Field (DSWD) Office 02.

Ginanap ang pamamahagi ng cash cards noong Setyembre 3, 2022 sa bayan ng Alicia, Isabela.

Tinatayang nasa 4,600 piso ang nilalaman ng nasabing cash card.

Samantala, patuloy pa rin sa pagsasagawa ng cash card distribution ang ahensya sa iba pang benepisyaryo.
May kabuuang 3,359 indibidwal ang nakatakdang mag benepisyo sa naturang programa kung saan 73 sa bilang ay nabigyan na ng cash card nitong Sabado.

Layon ng programang Unconditional Cash Transfer (UCT) na mabigyan ng tulong ang mga mahihirap na indibidwal na lubos na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin dulot ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law (Train Law).

Ang mga sakop naman ng UCT ay ang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), mga miyembro ng Social Pension Program at kasama sa Listahanan ng DSWD.

Facebook Comments