𝐋𝐀𝐋𝐀𝐊𝐈, 𝐇𝐔𝐋𝐈 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐁𝐄𝐁𝐄𝐍𝐓𝐀 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐑𝐈𝐋

19
Arestado ang isang lalaki na nagbebenta ng baril matapos ang ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Solana, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Cristiane Mark Simon y Bautista, 30 years old, single, unemployed at residente ng Bonifacio Street, Brgy. Centro Southeast, Solana, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan sa Police Regional Office 2, naaktuhang nagbebenta ang suspek ng isang caliber 38 revolver na may serial number 1103433 at kargado ng anim na bala sa pulis na umaktong poseur buyer bandang 7:20 ng gabi noong August 8,2022 na nagresulta ng pagkakaaresto.

Na kumpiska rin sa pag-iingat ng suspek ang isang libong piso at siyam na piraso ng isang libong pisong boodle money.

Si Bautista ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Facebook Comments