𝗔𝗞𝗧𝗜𝗕𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗚𝗔𝗞𝗜𝗧 𝗙𝗘𝗦𝗧𝗜𝗩𝗔𝗟 𝟮𝟬𝟮𝟱, 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔

CAUAYAN CITY- Inilatag na ng Lokal na Pamahalaan ng Angadanan ang mga nakahanay na aktibidad para sa nalalapit na pagdiriwang ng Gakit Festival sa kanilang bayan.

Batay sa anunsyo ni Municipal Mayor Joelle Mathea Panganiban, magsisimula ang taunang pista sa ika-apat hanggang ika-6 ng Abril.

Kabilang naman sa aktibidad na nakahanay para sa ika-4 ng Abril ay ang Gakit Festival Grand Parade, Laro ng Lahi, Blood Donation Drive, Chess Tournament, Inter-Region Volleyball Tournament, at Inter-Region Basketball League.


Magaganap sa ika-5 ng Abril ang Philippine Folk Dance Competition, Gakit Badminton Tournament, Bingo Social, at Socio-Cultural Night.

Sa ikahuling araw naman ng pista ay gaganapin ang Gakit Community Mass, Immuno Ritual, Gakit Fluvial Parade, Run for Angadanan 2025, Grand Fireworks Display, at Barangay Night.

Facebook Comments