𝗔𝗟𝗙𝗢𝗡𝗦𝗢 𝗟𝗜𝗦𝗧𝗔, 𝗢𝗩𝗘𝗥-𝗔𝗟𝗟 𝗖𝗛𝗔𝗠𝗣𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟱 𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗡𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗔𝗧𝗛𝗟𝗘𝗧𝗜𝗖 𝗠𝗘𝗘𝗧

CAUAYAN CITY- Itinanghal bilang over-all champion ang delegasyon ng Alfonso Lista sa katatapos lamang na 2025 Provincial Athletic Meet na ginanap sa bayan ng Aguinaldo, Ifugao.

Labing isang (11) delegado ang lumahok sa naturang aktibidad na kinabibilangan ng Aguinaldo, Alfonso Lista, Asipulo, Banaue, Hingyon, Hungduan, Kiangan, Lagawe, Lamut, Mayoyao, at Tinoc.

Batay sa datos na inilabas ng DepEd Ifugao, nanguna ang delegasyon ng Alfonso Lista sa Elementary at High School Division kung saan nakakakuha ito ng kabuuang 92 gold, 85 silver, at 97 bronze.


Nasungkit naman ng Lagawe delegate ang second place habang 3rd place ang Kiangan.

Kaugnay nito, ang mga nanalong atleta ay siyang magre-representa sa lalawigan ng Ifugao sa Cordillera Administrative Region Athletic Association 2025 na gaganapin sa Feb. 23-28 sa La Trinidad, Benguet.

Facebook Comments