𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗟𝗟𝗔𝗖𝗔𝗣𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗬𝗔 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗦𝗨𝗥𝗛𝗘𝗡𝗦𝗜𝗬𝗔

Cauayan City – Opisyal nang idineklara bilang insurgency-free ang bayan ng Allacapan, Cagayan ngayong araw ika-3 ng Pebrero taong kasalukuyan.

Matatandaang noong Disyembre 30, 2024, idineklara rin ang buong lalawigan ng Cagayan bilang insurgency-free at nasa estado ng stable security.

Sa kasalukuyan, ang Allacapan ang ikalawang bayan sa Cagayan na opisyal nang malaya sa insurhensiya, kasunod ng bayan ng Solana.


Samantala, ayon kay Municipal Mayor Harry Florida, nakamit nila ang kapayapaan hindi sa pamamagitan ng dahas o armas, kundi sa pamamagitan ng mabuting pamamahala.

Facebook Comments