
CAUAYAN CITY- Nananatiling matumal ang bentahan ng bulaklak sa Lungsod ng Cauayan ilang bago sumapit ang araw ng mga puso.
Sa panayam ng IFM News Team kay Ginang Dina, nagbebenta ng bulaklak sa Lungsod, kadalasan ay nasa tatlo hanggang limang bungkos lamang ang kanilang naibebenta kada araw sa kasalukuyan.
Ayon sa kanya, ang roses ang pinaka-mabenta sa ngayon kung saan ang presyo ng rose ay nasa ₱80 kada piraso, habang ₱500-P2500 naman kada bungkos.
Inaasahan namang dadagsa ang mga mamimili at magpapa-reserve ng bulaklak sa Feb. 12, dalawang araw bago ang Valentine’s Day.
Samantala, posible namang tumaas ang presyo ng mga bulaklak sa mga susunod na araw, lalo na kung tataas ang presyo ng suplay mula sa Dangwa at Baguio, na pangunahing pinagkukunan ng bulaklak sa lungsod.