Hinoldap ang isang cashier ng riding in tandem sa bayan ng Mapandan.
Ayon sa salaysay ng biktima, habang sakay ng kanyang tricycle sa kahabaan ng Brgy. Aserda, Mapandan, nang sundan ito at sinubukang harangin ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo.
Nakipag-agawan pa ang biktima nang hablutin ng mga suspek ang kanyang bag ngunit hindi nito naagaw ang kaniyang bag at nahulog pa sa tricycle.
Napag-alamang tinutukan pa ito ng baril at saka tinangay ang bag na naglalaman ng P25,000 para sana’y pambili ng stocks sa pinagtatrabahuang mall, sariling pera na P2,500, dalawang selpon, ATM cards at IDs.
Sa panayam ng IFM News Dagupan sa Mapandan Police Station, patuloy ang imbestigasyon ng kaso at may tinutumbok na para sa pag-gulong ng proseso nito.|πππ’π£ππ¬π¨