Inihayag ng Commission on Elections Pangasinan na wala pang lugar sa lalawigan ang isinailalim sa areas of concern para sa 2025 Midterm Elections.
Ayon kay COMELEC Pangasinan Provincial Officer Atty. Ericson Oganiza, nakatakda pa lamang magpulong ang Philippine National Police at Philippine Army sa darating na ika- 20 ng Disyembre.
Matatandaan na ilang lugar ang isinailalim sa election hotspot noong mga nagdaang eleksyon dahil sa mga election-related crime.
Samantala, sa ika-12 ng Enero sa susunod na taon ipinatupad ang gun ban sa buong bansa.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments