๐—–๐—ข๐—ก๐—ฆ๐—จ๐— ๐—˜๐—ฅ ๐—ช๐—˜๐—Ÿ๐—™๐—”๐—ฅ๐—˜, ๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—”๐—ฆ๐—œ๐—ก ๐—ก๐—š ๐——๐—ฆ๐—ช๐—— ๐—™๐—œ๐—˜๐—Ÿ๐—— ๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—˜ ๐Ÿฎ ๐—”๐—ง ๐——๐—ง๐—œ ๐—ฅ๐—˜๐—š๐—œ๐—ข๐—ก ๐Ÿฎ

CAUAYAN CITY – Nagkasundo ang Department of Social Welfare and Development Field Office 2 (DSWD FO2) at Department of Trade and Industry (DTI) Region 02 sa pagsasagawa ng mga capacity-building activities at training sessions para sa mga benepisyaryo ng kanilang programa.

Kaugnay nito ay nakatakdang magsagawa ng pagpirma ng Memorandum of Agreement (MOA) ang dalawang ahensya sa susunod na buwan.

Ang pagtutulungan ng dalawang ahensya ay bilang pagpapalakas ng consumer welfare sa buong Rehiyon Dos.


Layunin nito na maipatupad ang programang Consumer Net na siyang magiging platform upang mabigyan ng kaalaman ang mga Sustainable Livelihood Program (SLP) at Walang Gutom Program (WGP) beneficiaries sa kanilang karapatan at responsibilidad bilang consumers.

Bukod ito, target din ng Consumer Net ang mga Persons with Disabilities (PWDs), Solo Parents, at iba pang sektor na maibahagi rin sa kanila ang kanilang karapatan bilang isang consumer.

Facebook Comments