𝗖𝗩𝗖𝗛𝗗, 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗔𝗡𝗚 𝟭𝟲 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗞𝗧𝗢𝗥

Cauayan City – Tinanggap ng Cagayan Valley Center for Health Development (CVCHD) ang 16 na bagong doktor sa ilalim ng Doctors to the Barrios (DTTB) Program Batch 42A.

Itatalaga ang mga doktor sa iba’t ibang bayan sa Cagayan, Isabela, at Nueva Vizcaya upang mapunan ang kakulangan sa serbisyong medikal sa mga malalayong komunidad.

Alinsunod ito sa Administrative Order No. 2020-0038, na nagbibigay ng gabay sa Human Health Resource Development Unit (HHRDU) ng CVCHD para sa tamang pagtatalaga ng mga kawani ng kalusugan sa buong bansa.


Opisyal na nanumpa ang mga bagong Doctors to the Barrios, bilang tanda ng kanilang dedikasyon sa pagseserbisyo sa kanilang mga itinalagang lugar.

Ayon kay Dr. Pangilinan ang kanilang dedikasyon at binigyang-diin ang kahalagahan ng kanilang papel sa pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan sa mga probinsya.

Facebook Comments