Nakitaan ngayon ng sintomas ng heatstroke ang ilang alagang hayop na baka sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan ayon sa ilang mga nag-aalaga ng baka sa bayan.
Ayon sa ilang nag-aalaga ng baka gaya na lamang ni Kuya Dong, napansin, aniya, na may kakaibang nararamdaman ang kanyang mga alagang baka gaya ng sinisipon sa umaga ang kanyang baka na sanhi rin aniya ng pabago-bagong panahon.
Sa bayan naman ng Malasiqui, napansin ng ilang nag-aalaga rin ng baka na dahil sa mainit na panahon, panay ang kanilang pag-inom ng tubig upang maibsan ang nararanasan nilang mainit na panahon dahil ang ilan sa kanila ay nakababad sa ilalim ng mataas na araw.
Samantala, bukod sa baka, may ilan naring nagkakasakit na manok gaya ng inaalagaang Manok ni King Soriano sa Malasiqui, dahil nagkakasakit na dulot ng pabago-bagong panahon, ina-isolate na ang mga alagang hayop dahil upang hindi na makapang-hawa pa ng ibang manok.
Matatandaan din na sinabi ng Office of the Provincial Veterinary Office (OPVET) dahil sa paiba-ibang panahon maaaring maging sanhi ng pagka-stress ng mga hayop.
Matatandaang pang ipinapayo ng OPVET na sa pagpatak ng 12:00 ng tanghali hanggang 1:00 ng hapon ay ilipat muna sa lilim ang mga ito dahil posibleng makaranas ng heat stroke.
Painumin ang mga hayop na nakabilad sa araw ng malinis na tubig upang iwas sakit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨