Dalawang pawikan ang nangitlog sa baybayin ng Baroro, Bacnotan at San Juan, La Union sa kabila ng pananalasa ng Bagyong Marce sa lalawigan.
Personal na nasaksihan at inalalayan ng isang environmental conservation organization ang mga ito upang maligtas ang mga itlog mula sa hampas ng alon at makabalik sa karagatan ang inahing pawikan.
Ayon sa samahan, kinakailangan na 20 kilometro ang layo ng mga ito sa pawikan at kinakailangang lagyan ng ilaw na pula upang hindi maistorbo ang pangingitlog.
Tiniyak ng mga ito na ligtas nakabalik at nalagyan ng karampatang tag ang inahing pawikan upang makilala sa pagbalik nito sa dalampasigan. |πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments