
Cauayan City – Nakorner ng mga awtoridad ang dalawang indibidwal na tulak ng Ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation nitong ika-labing anim ng Enero, 2025 sa Brgy. Victoria, San Mateo, Isabela.
Ang mga nadakip ay kinilalang si alyas “Odeng” na itinuturing bilang High Value Individual Regional Priority List, at alyas “Lena” isa namang Newly Identified Individual.
Nakumpiska sa mga ito ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu; dalawang piraso ng genuine One Thousand peso na siyang buy-bust money, isang itim at pulang coin purse na may red Id holder na may lamang mga ID, Cellphone, cash, at motor.
Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa himpilan ng San Mateo Police Station kasama ang dalawang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.