𝗗𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡, 𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡

Cauayan City – Nakatakdang magsagawa ng Dental Mission ang LGU Cauayan sa darating na ika-23 ng Marso.

Katuwang nila sa pagsasagawa ng aktibidad ang National University – College of Dentistry.

Magaganap ang nabanggit na aktibidad sa Iconic Hotel, Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Hinihikayat naman ang mga interesado na makatanggap ng serbisyong dental na magpalista sa City Health Office 1,2, at 3, o di kaya naman sa mga midwife sa kani-kanilang mga lugar.

Kinakailangan lamang na magdala ng Cauayan City ID, o kahit anong Government Issued ID na magbibigay patunay na sila ay residente ng. Lungsod ng Cauayan.

Magtatagal ang pagtanggap ng mga magpapalista hanggang sa ika-21 ng Marso.

Facebook Comments