𝗗𝗜𝗖𝗧 𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗡𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘, 𝗠𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢

CAUAYAN CITY – Muling nagpaalala ang Department of Information and Communications Technology (DICT) Provincial Office sa publiko na maging maingat sa social media lalo na’t paparating ang eleksyon.

Ayon kay Mr. Bryan Tomas, System Analyst ng ahensya, sinabi nitong kailangan munang suriin at beripikahin ang mga impormasyong nababasa bago ito i-share.

Ibinahagi naman ni Ms. Sherlyn Sagaydoro, Project Development Officer 1, na may mga isinasagawa silang training sa mga active social media users upang makaiwas ang mga ito sa fake news.


Nagpapaalala rin ang ahensya na huwag basta-basta mag-click ng mga links upang makaiwas na mahack ang mga account katulad ng facebook.

Facebook Comments