
CAUAYAN CITY – Sa pakikiisa sa pagdiriwang ng National Arts Month 2025, inilunsad ng Lungsod ng Cauayan katuwang ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang isang Digital Poster Making Contest.
Layunin ng patimpalak na ipakita ang kahalagahan ng sining sa pagpapalaganap ng kultura at pagkakaisa ng bawat Pilipino, gayundin ang pagpapalaganap ng sining at kultura sa makabagong panahon.
Bukas ang kompetisyon sa lahat ng Isabeleño na may talento sa digital art.
Hinihikayat ang mga kalahok na ipamalas ang kanilang kakayahan sa sining upang ipakita ang yaman ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng malikhaing digital poster.
Ito rin ay isang oportunidad para sa mga artista na maipahayag ang kanilang mensahe ng pagkakaisa gamit ang modernong teknolohiya.
Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, naipapakita ang suporta ng Lungsod ng Cauayan sa mga lokal na alagad ng sining.
Samantala, para sa mga gustong makilahok maaaring bisitahin ang facebook page ng Cauayan City at magregister sa pamamagitan ng online form na makikita sa link.