π——π—œπ—šπ—œπ—§π—”π—Ÿ 𝗧π—₯𝗔𝗑𝗦𝗙𝗒π—₯π— π—”π—§π—œπ—’π—‘ π—–π—˜π—‘π—§π—˜π—₯, π—œπ—‘π—œπ—Ÿπ—¨π—‘π—¦π—”π—— 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π—‘π—š π—–π—”π—•π—”π—šπ—”π—‘

CAUAYAN CITY – Inilunsad ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Region 2 – Isabela Provincial Office at ng lokal na pamahalaan ng Cabagan ang Digital Transformation Center (DTC) sa bayan ng Cabagan.

Kasama ng paglulunsad, nagsagawa ng isang makasaysayang paglagda ng kasunduan ang dalawang ahensya bilang bahagi ng kanilang pagsusumikap na mapalakas ang digital innovation sa naturang bayan.

Ang Digital Transformation Center ay magsisilbing lugar para sa mga pagsasanay, digital na serbisyo, at pag-access sa mga makabagong teknolohiya. Ito rin ay upang mapalapit ang mga benepisyo ng teknolohiya sa mga mamamayan ng Cabagan, upang makatulong sa pagpapabuti ng kanilang mga negosyo at operasyon ng pamahalaan.


Samantala, patuloy din ang mga inisyatiba ng DICT Region 2 sa buong Rehiyon Dos, katuwang ang ICT Literacy and Competency Development Bureau (ILCDB), upang mapalawak ang digital literacy at innovation sa buong rehiyon.

Facebook Comments