
Cauayan City – Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko hinggil sa maling impormasyon na kumakalat online tungkol sa isang di-umano’y “nutritional milk” na nakagagaling umano ng chronic insomnia.
Ayon sa DOH, walang katotohanan ang naturang post na iniuugnay ang kanilang ahensya sa isang hindi beripikadong produkto.
Nilinaw nilang hindi ito aprubado, inendorso, o kinikilala ng Kagawaran.
Ipinaalala rin ng DOH na ang insomnia ay may iba’t ibang sanhi at walang agarang lunas.
Pinaalalahanan din ng DOH ang publiko na mag-ingat sa mga mapanlinlang na marketing strategy na gumagamit ng pekeng testimonya, huwad na ekspertong endorsements, at labis na pinalaking health claims.
Inireklamo na ng ahensya ang nasabing Facebook page sa Department of Information and Communications Technology (DICT) upang maalis ito.
Payo ng DOH sa lahat, sundan lamang ang kanilang opisyal na social media accounts para sa tamang impormasyon tungkol sa kalusugan.