𝗗𝗢𝗟𝗘 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟮, 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗜𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗣𝟭𝗠 𝗦𝗔 𝗠𝗨𝗦𝗟𝗜𝗠 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗨𝗡𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗧𝗨𝗚𝗨𝗘𝗚𝗔𝗥𝗔𝗢

Cauayan City – Nagbigay ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng ₱1M livelihood assistance sa Tuguegarao City Vendors Association, na binubuo ng mga miyembro ng Muslim community, sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP).

Layunin ng tulong na ito na matulungan ang 51 benepisyaryo na makapagsimula ng negosyong Rice Retailing upang mapatatag ang kanilang kabuhayan.

Ayon kay DOLE Regional Director Jesus Elpidio B. Atal Jr., patunay ito ng suporta ng gobyerno sa lahat ng sektor ng lipunan, anuman ang kultura o pinagmulan.


Ayon naman sa isang benepisyaryo na si Omar Usman, malaking tulong ito sa kanyang pamilya, bukod sa kita niya sa pagkukumpuni ng cellphone, may buwanang kita pa siya mula sa nasabing programa.

Patuloy ang pagsisikap ng DOLE na palakasin ang kabuhayan ng iba’t ibang sektor bilang suporta sa pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba ng kultura at paniniwala.

Facebook Comments