𝗗𝗦𝗪𝗗 𝗙𝗜𝗘𝗟𝗗 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘 𝟮, 𝗕𝗜𝗡𝗜𝗦𝗜𝗧𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠

Cauayan City – Nagsagawa ng monitoring ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 2 sa mga benepisyaryo ng Pag-Abot Program sa Jones at Quirino, Isabela, pati na rin sa Amulung, Ballesteros, at Claveria, Cagayan.

Sa kanilang pagbisita, sinuri ng DSWD ang kalagayan ng mga proyektong pangkabuhayan ng mga benepisyaryo upang matiyak ang tagumpay at pagpapatuloy ng mga programang pangkabuhayan.

Layunin nitong matukoy ang kanilang progreso, magbigay ng karagdagang gabay, at alamin ang mga hamong kinakaharap upang masiguro ang pagpapatuloy ng kanilang mga inisyatiba.


Ayon sa ahensya, mahalaga ang regular na pagsubaybay upang mapalakas ang suporta sa mga benepisyaryo at matiyak na nagagamit nang maayos ang tulong na ibinigay sa kanila.

Samantala, hinikayat din nila ang mga benepisyaryo na ipagpatuloy ang pagsisikap upang masigurong magtatagumpay at magtatagal ang kanilang mga proyekto.

Facebook Comments