
CAUAYAN CITY ā Nagpapatuloy ang early registration na isinasagawa ng Department of Education (DepEd) Santiago City para sa mga mag-aaral sa Lungsod ng Santiago.
Ang nasabing registration ay para sa mga incoming Kindergarten, Grade 1, Grade 7, at Grade 11 learners, na nagsimula noong Enero 25 at magtatapos sa Pebrero 15, 2024.
Ito ay alinsunod sa DepEd Order No. 9, s. 2024, na naglalayong tiyakin ang maayos at sistematikong proseso ng enrollment para sa darating na school year.
Samantala, upang matiyak ang matagumpay na pagpapatupad ng inisyatibong ito, ang mga Education Program Supervisors mula sa Curriculum Implementation Division ay patuloy na nagsasagawa ng mahigpit na monitoring sa early registration sa mga pampubliko at pribadong elementarya at sekondaryang paaralan, pati na rin sa Alternative Learning System (ALS).