Saturday, April 11, 2026

‎𝗘𝗖𝗛𝗔𝗚𝗨𝗘Ñ𝗢, 𝗪𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗧𝗛𝗘𝗠𝗔𝗧𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗢𝗟𝗬𝗠𝗣𝗜𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗧𝗛𝗔𝗜𝗟𝗔𝗡𝗗

‎Cauayan City – Isang malaking karangalan ang dinala ng lalawigan ng Isabela matapos magwagi si David III U. Padua bilang 1st Runner Up sa Thailand International Mathematical Olympiad (TIMO) Final Round 2025–2026.
‎Ang prestihiyosong kompetisyon ay ginanap sa Bangkok, Thailand noong Pebrero 7–8, 2026.
‎Si Padua ay nag-aaral sa St. Dominic Human Development Center sa bayan ng Echague, Isabela, at nakamit din niya ang Gintong Parangal sa kategoryang **Senior Secondary, kung saan dalawampung (20) mag-aaral mula sa iba’t ibang bansa ang lumahok.
‎Samantala, itinanghal na kampeon sa parehong kategorya si Josh Evan David Disu mula sa Quezon City Science High School, habang ang 1st Runner Up sa Secondary 3 ay si Jose Leon Lorenzo Juliano ng Learning Links Academy.
‎Ang tagumpay na ito ni Padua ay patunay ng kahusayan ng kabataang Isabelino at nagsisilbing inspirasyon sa mga mag-aaral ng Lambak ng Cagayan na mangarap at magtagumpay sa internasyonal na larangan.
 
————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan
Facebook Comments