
Cauayan City – Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa kamara ang House Bill 11213, na may pamagat na “An Act Providing Education Pathways for Basic Education Students.”
Sa ilalim ng panukalang ito, tatlong track system ang II-implementa para sa mga Grade 10 graduates, kabilang rito ang 2-Year University Preparatory Program, Technical-Vocational Program, o Advanced Placement Exam.
Ang Advanced Placement Exam o Honor Exam ay ibinibigay sa mga graduating grade 10 students kung saan oras na makapasa, mabibigyan sila ng pagkakataon na laktawan ang Senior High School at dumeretso sa kolehiyo.
Ang 2 year University Preparatory Program naman ay required na matapos ng mga mag-aaral na hindi pumasa o hindi kumuha ng pagsusulit ngunit nais pa rin na pumasok sa kolehiyo.
Samantala, ang mga estudyante naman na piniling pumasok sa workforce kapag natapos ang basic education ay maaaring pasukin ang Technical Vocational Program sa ilalim ng TESDA.
Layunin din ng panukalang ito na mas mapagaan ang gastusin ng mga magulang lalo na sa matrikula ng kanilang mga nag-aaral na anak.