𝗘𝗟𝗜𝗠𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗥𝗢𝗨𝗡𝗗 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗧𝗧𝗟𝗘 𝗢𝗙 𝗧𝗛𝗘 𝗕𝗔𝗡𝗗𝗦 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗚𝗔𝗪𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔𝗬-𝗬𝗔𝗡 𝗙𝗘𝗦𝗧𝗜𝗩𝗔𝗟, 𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Cauayan City – Isasagawa ang elimination round ng Battle of the Bands sa ika-apat hanggang ika-lima ng Abril taong kasalukuyan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Gawagaway-yan festival sa lungsod ng Cauayan.

Bukas ito para sa lahat ng edad na may tatlo hanggang walong miyembro ang isang banda.

Kailangan lamang magdala ng sariling instrumento, maliban sa drum set na ibibigay ng mga organizer.


Kailangan ding magsumite ng litrato ng kanilang grupo para sa promotion at advertising.

Para makasali, kailangan lamang magparehistro sa kanilang link at magbayad ng P500 registration fee sa pamamagitan ng GCash.

Mahigpit ring ipinagbabawal ang paggamit ng malalaswang salita sa kanilang performance.

Samantala, hinihikayat ng Lokal na Pamahalaan na bisitahin lamang ang facebok page ng Gawagaway-yan Festival para sa mga karagdagang impormasyon.

Facebook Comments