π—™π—Ÿπ—¬π—œπ—‘π—š π—©π—’π—§π—˜π—₯𝗦 𝗔𝗧 π—©π—’π—§π—˜ π—•π—¨π—¬π—œπ—‘π—š 𝗦𝗔 π—œπ—¦π—”π—‘π—š 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 𝗦𝗔 π—Ÿπ—” π—¨π—‘π—œπ—’π—‘, π—œπ— π—£π—’π—¦π—œπ—•π—Ÿπ—˜ 𝗔𝗬𝗒𝗑 𝗦𝗔 π—–π—’π— π—˜π—Ÿπ—˜π—–

Iginiit ng Commission on Elections (COMELEC) Region 1 na imposible ang napabalitang mga flying voters o double registrants sa Pugo, La Union na maaring magamit sa pandaraya sa 2025 Midterm Elections.

Ayon kay La Union Provincial Election Supervisor Atty. Alipio Castillo III, gumagamit ng biometric o fingerprint system ang tanggapan tuwing voter’s registration upang matukoy na ang mga ito ay hindi mauulit sa pagpaparehistro.

Mula 2010, gamit na umano ng tanggapan ang naturang sistema kahalintulad sa ginagamit ng iba pang ahensya tulad ng NBI at PNP sa imbestigasyon.

Matatandaan na napabalita ang pag-aaklas ng ilang grupo sa Pugo noong kasagsagan ng voter’s registration dahil sa umano’y pagdami ng nagsusulputang residente mula sa ibang kalapit na bayan upang magparehistro para sa eleksyon sa susunod na taon. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments