π—šπ—₯π—”π—¦π—¦π—™π—œπ—₯π—˜, π—¦π—¨π— π—œπ—žπ—Ÿπ—”π—• 𝗦𝗔 π——π—”π—šπ—¨π—£π—”π—‘ π—–π—œπ—§π—¬

31

DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Pasado alas 2:15 ngayong hapon ng Disyembre 5 nang sumiklab ang isang grassfire sa isang pribadong bakanteng lote sa bahagi ng Mayombo District.

Ayon sa Security guard ng nasabing property, ipinagbigay alam ng mga residenteng malapit sa lugar ang nangyaring grassfire kung saan agad namang itinawag sa Bureau of Fire Protection sa Lungsod para apulahin ang sunog pasado 3:35 pm.

Sa naging panayam ng iFM Dagupan sa BFP Dagupan ay tinatayang nasa 400 sq m ang natupok ng grassfire.


Sa ngayon, wala pang ideya ang mga residente at mga awtoridad kung ano ang dahilan ng pagsiklab ng sunog. Samantala, idineklarang fire out ang grassfire sa oras na 3:47 pm. | ifmnews

Facebook Comments