Thursday, February 12, 2026

𝗚𝗨𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢’𝗬 𝗡𝗔𝗠𝗕𝗔𝗦𝗧𝗢𝗦, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗤𝗨𝗘𝗭𝗢𝗡, 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔

 

Cauayan City — Nasakote ng pinagsanib na puwersa ng pulisya ang isang guro na nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness kahapon, ika-20 ng Enero sa Brgy. Barucboc, Quezon, Isabela.

Kinilala ang inarestong suspek na si alias “Peter,” 42 taong gulang, may asawa at residente ng nasabing barangay. Ang operasyon ay pinangunahan ng Quezon Police Station bilang lead unit, katuwang ang iba’t-ibang unit ng PNP.

Naaresto ang suspek sa pamamagitan ng warrant of arrest na inilabas noong ika-19 ng Enero 2026 ng Regional Trial Court, Branch 23, Roxas, Isabela.

Mayroon namang inirekomendang piyansa ang korte na nagkakahalaga ng ₱180,000 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Matapos ang pag-aresto, ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatan at kalaunan ay dinala sa kustodiya ng Quezon Police Station bago pormal na iharap sa korte.

Facebook Comments