
Cauayan City – Umabot sa P188,288 ang halaga ng mga nasamsam na ilegal na droga sa isang linggong operasyon ng kapulisan sa buong lambak ng Cagayan.
Sa 17 magkakaibang operasyon, 18 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga ang nabisto at nadakip ng mga awtoridad kasama ng mga ebidensya.
Binubuo ng 27.07 grams ng shabu, 30.90 grams ng marijuana, at 10ml ng Marijuana oil ang dami ng pinagsama-samang nakumpiskang kontrabando mula sa mga nadakip na suspek.
Sa muling pagpasok ng buwan ng Pebrero, tinitiyak ng kapulisan na hindi sila titigil at mas paiigtingin pa ang kanilang kampanya kontra ilegal na droga para sa mapanatili ang ligtas na pamayanan.
Facebook Comments