
CAUAYAN CITY – Isang high-value individual (HVI) ang naaresto ng mga awtoridad sa Purok 3, Brgy. Homestead, Bambang, Nueva Vizcaya matapos ang isinagawang drug buy bust operation.
Kinilala ang suspek na si alyas “Baldong”, trentay sais -anyos, may asawa at residente ng Brgy. San Geronimo, Bagabag, Nueva Vizcaya.
Nakuha mula sa kanyang pag-iingat ang limang medium size transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, boodle money, cellphone, at isang transparent plastic.
Ayon pa sa ulat ng kapulisan, ang nasabing ilegal na droga ay tinatayang aabot sa Php 10,200.00.
Ang operasyon ay pinangunahan ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Nueva Vizcaya, Municipal Drug Enforcement Unit (MDEU) of Bambang Police Station at koordinasyon ng PDEA Region 2.