𝗛𝗜𝗚𝗛-𝗩𝗔𝗟𝗨𝗘 𝗧𝗔𝗥𝗚𝗘𝗧 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗩𝗜𝗗𝗨𝗔𝗟, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗘𝗡𝗧𝗥𝗔𝗣𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

CAUAYAN CITY – Timbog ang isang High-value Target (HVT) Individual sa isinagawang entrapment operation ng kapulisan sa Barangay Caritan Norte, Tuguegarao City.

Nakumpiska mula sa suspek na kinilala bilang si alyas “Kath, 20-anyos, ang isang brick ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na tinatayang aabot sa halagang Php 72,000.

Nakuha rin mula sa kanya ang perang ginamit bilang buy bust money, isang cellphone, at motorsiklo.

Ang operasyon ay pinangunahan ng PDEA Regional Office 2-Cagayan Provincial Office, Tuguegarao City Drug Enforcement Unit, at iba pang mga awtoridad.

Mahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments