𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟯𝗞 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗧𝗢𝗠 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠, 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗢𝗗 𝗣𝗔𝗖𝗞𝗦

CAUAYAN CITY – Mahigit 3,592 benepisyaryo mula sa 28 bayan sa Isabela ang nakatanggap ng food packs mula sa Department of Social Welfare and Development Field Office 2 (DSWD FO2) sa ilalim ng Walang Gutom Program.

Ang pamamahagi ay bahagi ng Period 12 Food Redemption, kung saan ginamit ng mga benepisyaryo ang kanilang Electronic Benefit Transfer (EBT) card na may halagang PHP 3,000 na food credits upang makabili ng masustansyang pagkain.

Ang mga natanggap na food packs ay binubuo ng 50% Go Foods para sa pagkaing mayaman sa carbohydrates para sa enerhiya, 30% Grow Foods para sa pagkaing mayaman sa protina para sa pagbuo ng kalamnan, 20% Glow Foods para sa pagkaing mayaman sa fiber para sa mas maayos na kalusugan.


Layunin ng programa na masiguro ang sapat na nutrisyon ng mga benepisyaryo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng masustansyang pagkain, kasabay ng pagsulong ng kalusugan at nutrisyon ng bawat pamilya.

Facebook Comments