Cauayan City – Nagsagawa ng malawakang Anti-Anthrax vaccination ang Provincial Veterinary Office sa bayan ng Alcala, Cagayan.
Umabot sa 64 na kalabaw na pagmamay-ari ng 54 na magsasaka mula sa Brgy. Piggatan, Tupang, at Maraburab ang nabakunahan ng anti-anthrax.
Layunin ng PVET, Department of Agriculture Regional Field Office 2, at LGU na maproteksyonan ang mga kalabaw laban sa sakit na Anthrax.
Samanatala, nakatakda namang sunod na magsagawa ng vaccination sa bayan ng Gattaran, Cagayan sa mga susunod na araw.
Facebook Comments