Friday, March 13, 2026

‎𝗜𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗖𝗖𝗣𝗦, 𝗜𝗗𝗜𝗡𝗘𝗞𝗟𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗥𝗨𝗚-𝗙𝗥𝗘𝗘 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗣𝗟𝗔𝗖𝗘; 𝗝𝗢𝗜𝗡𝗧 𝗟𝗜𝗡𝗞𝗔𝗚𝗘𝗦 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗


‎Cauayan City – Pormal na idineklara ang Ilagan City Component Police Station bilang Drug-Free Workplace kahapon Pebrero 12, 2026, alinsunod sa DDB Regulation No. 13, s. 2018.

‎Dumalo sa seremonya ang mga opisyal mula sa PDEA Regional Office 2 at PDEA Isabela Provincial Office, Isabela Police Provincial Office, DILG-City of Ilagan, at Liga ng mga Barangay, kasama ang mga katuwang mula sa religious sector.

‎Binigyang-diin naman ng mga tagapagsalita na ang pagiging drug-free workplace ay hindi lamang deklarasyon kundi isang patuloy na obligasyon.

‎Kasabay nito, inilunsad ang Joint Linkages for Sustainable Drug-Cleared Ilagan upang masiguro ang tuloy-tuloy na kampanya laban sa ilegal na droga.

‎Layunin ng programa na palakasin ang ugnayan ng mga pambansang ahensya, lokal na pamahalaan, faith-based organizations, at komunidad upang mapanatili ang drug-cleared status ng lungsod. Kabilang dito ang monitoring, rehabilitasyon, at mga edukasyong pangkomunidad kontra droga.

‎Source: Ilaganccp Ippo

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments