π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š π—–π—’π—§π—§π—”π—šπ—˜ 𝗒π—ͺπ—‘π—˜π—₯𝗦 𝗦𝗔 π—Ÿπ—œπ—‘π—šπ—”π—¬π—˜π—‘ π—•π—˜π—”π—–π—›, π—•π—”π—Ÿπ—œπ—ž 𝗛𝗔𝗑𝗔𝗣𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗒𝗦 π—”π—‘π—š 𝗦𝗧𝗒π—₯𝗠 𝗦𝗨π—₯π—šπ—˜ π——π—¨π—Ÿπ—’π—§ π—‘π—š π—•π—”π—šπ—¬π—’π—‘π—š π—žπ—₯π—œπ—¦π—§π—œπ—‘π—˜

Balik hanapbuhay ang ilang cottage owners sa Lingayen Beach matapos makaranas ng storm surge noong kasagsagan ng Bagyong Kristine.

Agad na naglinis ng kanilang pwesto ang ilang owners matapos ang paghupa ng tubig.

Ayon sa ilang cottage owners, kailangan umano nilang makabawi sa ilang araw na walang kita dahil walang bumibisita sa lugar bunsod ng bagyo.

Nagsagawa na rin ng dredging operation ang pamahalaang panlalawigan sa naturang lugar. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments