π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š π—¦π—˜π— π—˜π—‘π—§π—˜π—₯𝗬𝗒 𝗦𝗔 π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—”π—‘, π—Ÿπ—¨π—•π—’π—š 𝗣𝗔 π—₯π—œπ—‘ 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔

Ilang araw bago sumapit ang undas, lubog pa rin sa baha ang ilang sementeryo sa lalawigan ng Pangasinan bunsod ng nagdaang Bagyong Kristine.

Sa Bonuan Boquig Public Cemetery na ilang metro mula sa dagat, kapansin-pansin ang halos hanggang tuhod na baha.

Sa Calasiao Public Cemetery naman, lubog pa rin sa baha ang ilang bahagi ng sementeryo kaya’t pahirapan ang pagpunta ng mga maglilinis sana ng mga puntod.

Sa bahagi naman ng Lingayen, ilang sementeryo rin ang lubog sa baha, tulad na lamang sa Maniboc at Villa Maniboc Cemetery na ilang metro lamang ang layo mula sa baybayin.

Baha rin ang Lingayen at Libsong Public Cemetery.

Bagamat may mga pagbaha, hindi mapipigilan ang paggunita at pagbibigay respeto sa mga minamahal na yumao. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments