๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—–๐—ฌ๐—–๐—Ÿ๐—˜ ๐——๐—ฅ๐—œ๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐——๐—”๐—š๐—จ๐—ฃ๐—”๐—ก ๐—–๐—œ๐—ง๐—ฌ, ๐—›๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š ๐—›๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—”๐—ก๐—š ๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—ง๐—”๐—”๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—š๐—œ๐—Ÿ ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—”๐—›๐—˜

Hanggang ngayon, hinihiling pa rin ng ilang grupo ng mga tricycle drivers at operators sa Dagupan City ang pagkakaroon pa sana ng taas sa singil pasahe dahil hindi na umano umaayon ang pamasahe na nakasaad sa kanilang fare matrix.

Dati na umano kasi ang fare matrix na sinusunod nila hanggang ngayon kung saan ang minimum na pamasahe ay nasa 10 pesos; bagay na kulang na kulang na umano para sa katulad nilang maliit lamang ang uri ng sasakyang pinapasada.

Sa panayam ng IFM news dagupan sa ilang tricycle drivers sa may Downtown area, sinabi nilang nasa pasahero naman nila kung magdadagdag ang mga ito ng kanilang bayad dahil alam naman na rin ng mga ito na tumaas ang presyo ng gasolina ngayon.

Dagdag pa nila, hindi daw sila nagtatalaga ng pamasahe sa kanilang mga pasahero pero i-ayon naman sana ng mga ito ang bayad sa kanila sa layo ng kanilang pupuntahan.

Nasa pasahero na umano kung dadagdagan niya ang bayad depende pa sa layo ng ruta na paghahatiran sa kanila.

Samantala, sinabi naman ng POSO Dagupan Chief Arvin Decano na muli nilang isasangguni sa Sangguninang Panglungsod ng Dagupan ang ukol sa pagrerebisa ng ordinansa ukol sa fare matrix ng mga tricycle drivers at operators sa lungsod. |๐™ž๐™›๐™ข๐™ฃ๐™š๐™ฌ๐™จ

Facebook Comments