π—œπ— π—•π—˜π—¦π—§π—œπ—šπ—”π—¦π—¬π—’π—‘ 𝗦𝗔 𝗨𝗠𝗔𝗑𝗒’𝗬 π—žπ—”π—¦π—’ π—‘π—š π—£π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—šπ—”π—›π—”π—¦π—” 𝗦𝗔 π—§π—¨π—šπ—¨π—˜π—šπ—”π—₯𝗔𝗒, 𝗣𝗨𝗦𝗣𝗨𝗦𝗔𝗑

Cauayan City – Patuloy ang imbestigasyon ng kapulisan patungkol sa umano’y insidente ng panggagahasa noong gabi ng Miyerkules, ika-dalawamput’ dalawa ng Enero sa lungsod ng Tuguegarao.

Ayon sa alkalde ng Tuguegarao City na si Mayor Maila Ting-Que, hinihintay pa ng mga awtoridad ang resulta ng medical examination ng biktima.

Batay sa ulat, ang suspek at ang biktima ay parehong nasa wastong gulang at hindi residente ng nabanggit na lungsod.


Naganap ang umano’y panggagahasa sa ibang lugar at matapos nito ay nagtungo sila sa Tuguegarao para kumain, at nang mapunta sa bypass road sa Brgy. Carig ay maaring nag-usap ang mga ito.

Nang makakita ang babae ng mga tanod, agad umano itong sumigaw at humingi ng tulong kaya’t agad nila itong nirespondehan, at sa pagtangkang pagtakas ng suspek sakay ang motorsiklo ay bumangga ito sa mga nakaparadang heavy equipment sa gilid ng kalsada dahilan upang siya ay ma-comatose.

Iniutos naman ni Mayor Que ang masusing pagsisiyasat sa insidente at pinaalalahanan ang publiko na mag-ingat at iwasan ang pagsama sa mga hindi kakilala upang maiwasan ang ganitong mga pangyayari.

Facebook Comments