𝗜𝗡𝗜𝗥𝗘𝗥𝗘𝗞𝗟𝗔𝗠𝗢𝗡𝗚 𝗗𝗥𝗔𝗜𝗡𝗔𝗚𝗘 𝗖𝗔𝗡𝗔𝗟, 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗡𝗜 𝗦𝗜𝗡𝗨𝗥𝗜

Cauayan City – Personal na ininspeksyon ni Mayor Maila Ting-Que ang drainage canal project sa Linao East, Tuguegarao City matapos makatanggap ng reklamo na ito ay may depekto at pansamantalang binakuran ng mga gulong.

Kasama niya sa inspeksyon ang City Project Monitoring Committee, mga opisyal ng barangay, at ang contractor na Valley Construction.

Natuklasan sa naunang pagsusuri na may bahagi ng drainage na lumubog at nasira dahil sa mahinang Compaction kaya naman, agad na nagbigay ng rekomendasyon ang committee para sa pagsasaayos ng proyekto.

Ayon kay Mayor Maila, nais niyang tiyakin na ang lahat ng proyekto sa lungsod ay dekalidad at dumaan sa tamang proseso.

Hinimok din niya ang Metropolitan Tuguegarao Water District (MTWD) na makipag-ugnayan sa LGU upang maiwasan ang pagkasira ng mga imprastraktura dahil sa pagbubungkal ng lupa.

Tiniyak ng alkalde na patuloy nilang imo-monitor ang proyekto upang masigurong maayos itong matatapos para sa kapakinabangan ng publiko.

Facebook Comments