𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗭𝗢𝗢 𝗦𝗔 𝗖𝗛𝗜𝗡𝗔, 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗞𝗢𝗦 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗘𝗧𝗜𝗭𝗘𝗡𝗦

CAUAYAN CITY – Hindi nakaiwas sa mga mapanuring mata ng mga netizens ang dalawang aso na Chow Chow kung saan ay kinulayan ang mga ito ng itim at orange para mag-mukhang tigre sa Taizhou Zoo sa Jiangsu Province, China.

Nabatikos ang nasabing zoo matapos ang isang uploaded video sa social-media app na Douyin, ang Chinese version ng TikTok, kung saan makikita na nakakulong pa ang mga ito sa mga wooden pens.

Agad namang inamin ng pamunuan ng nabanggit na zoo na hindi umano totoong tigre ang mga at parte lamang ito ng kanilang gimmick.


Depensa pa nito, wala umanong health risks ang pagda-dye nila ng fur sa mga aso kung kaya’t walang masama dito at maging ang tao umano ay nagkukulay din ng buhok.

Samantala, hindi naman ito ang unang pagkakataon na may zoo sa China na pinipintahan ang mga aso para maging ibang hayop.

Facebook Comments