𝗜𝗦𝗘𝗟𝗖𝗢 𝟭, 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗕𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗡𝗚𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗞𝗨𝗥𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗘𝗥𝗢

Cauayan City – Ipinahayag ng Isabela Electric Cooperative-1 (ISELCO-1) ang bahagyang pagbaba ng singil sa kuryente ngayong buwan ng Enero 2025.

Ang pagbaba ng singil ay resulta ng mas mababang generation mix mula sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM) at Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Bumaba ang presyo ng WESM mula Php 4.32/kWh patungong Php 3.48/kWh, na nakaapekto sa kabuuang rate adjustment ngayong buwan.


Base sa inilabas na datos ng ISELCO-1, ang singil ngayong buwan sa residential consumer ay P7.69/ KWH, P6.82/KWH sa low voltage consumer, at P5. 21/KWH naman sa high voltage consumer.

Facebook Comments