Tinutukan ngayon ng Pangasinan Provincial Health Office (PHO) ang limang lugar sa Pangasinan matapos makapagtala ng mataas na kaso ng dengue.
Ayon sa PHO, ito ay ang mga bayan ng Bayambang, Lingayen, Urbiztondo, Bugallon, at lungsod ng San Carlos.
Noong 2023, nasa 2,059 ang kanilang naitala mula buwan ng Enero hanggang Setyembre, at ngayong 2024 ay pumalo na sa nasa 5,628 na kung saan tumaas ng 175%.
Samantala, limang barangay naman ang tinutukan sa Dagupan, na nakapagtala na ng 170 kaso ngayong 2024 mula sa 99 noong 2023.
Ang mga barangay na tinukoy ay ang Bonuan Gueset, Bonuan Boquig, Pantal, Lucao at Mayombo.
Dahil dito, patuloy ang paalala ng awtoridad ukol sa pag-iingat at kaalaman ng bawat residente upang makaiwas sa sakit na dengue. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨