Umabot sa 3. 6 milyon ang naitalang registered voters sa Ilocos Region ayon sa COMELEC Region 1.
Tiniyak ng tanggapan na “updated at cleansed” ang pinal na listahan ng rehistradong botante sa rehiyon Ilocos matapos ang election registration board noong Oktubre.
Ayon kay COMELEC Regional Director Atty. Noli Pipo, dumaan sa masusing validation ang listahan ng nagparehistro sa mga provincial COMELEC offices at ibinawas ang mga inactive voters sa rehiyon mula noong 2022 at 2023 elections.
Sa talaan ng tanggapan, 249,825 na botante ang na-deactivate dahil sa hindi pagboto ng dalawang magkasunod na halalan ngunit maari pa rin umanong magpa-reactivate.
Sa kabuuan, 3,654,020 ang rehistradong botante sa buong rehiyon kung saan 2,170,694 ay mula sa Pangasinan; 557,617 mula sa La Union; 488,800 sa Ilocos Sur; at 436,909 sa Ilocos Norte.
Dagdag ng opisyal, aabot sa 70,000 na botante ang nalagas sa listahan mula noong 2023 BSKE Elections. Sa kabila nito, inaasahan na ang nabanggit na bilang ay makikiisa sa pagboto sa 2025 Midterm Elections. |πππ’π£ππ¬π¨